Ehemplo ang sinapit ng 2 Aeta galing sa Zambales kung bakit problemado at hindi konstitusyonal ang Anti-Terror Law

Torture ang tinamo ng 2 Aeta na hinuli ng mga sundalo noong Agosto 2020. Dagdag pa rito, inakusahan pa sila na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) at na nakapatay ng isang sundalo sa engkuwentro.

Ani ni Japer Gurung, isa sa mga Aeta, siya ay tinali, binugbog, sinilid sa isang sako saka binitin nang patiwarik, pinakain ng sariling damit at sinubukang isuffocate gamit ang plastic sa ulo na may usok ng sigarilyo sa loob.

Umano’y kalahating oras ang tinagal ng plastic sa kanyang ulo saka sinabihan siya ng, “Magtapat ka na! ALam ko ikaw ‘yung mataas dito!”

Na tinugunan niya ng, “Kahit patayin niyo po ako, wala po akong alam diyan.”

Ayon sa dalawang biktima, lumilikas sila sa putukang nangyayari sa baryo nila sa Zambales at papunta na sana sa kalapit na evacuation center, ngunit hinarangan ng mga sundalo para umano sa kanilang kaligtasan.

Ang inakala nilang pagsagip ay humantong sa pang-aaresto at inakusahan silang dalawa ng murder, attempted murder, terorismo, at illegal possession ng firearms at explosives. Ang mga kasong ito ay batay sa itinanim na mga granada at bala ng baril, kasali ang ilang subersibong dokumento, kahit na hindi umano marunong magsulat at magbasa ang dalawa.

Ang natamo ng mga Aeta ang ginagawang ehemplo kung paanong ang petisyon para sa pagbabasura ng Anti-Terrorism Act ay mapagtitibay.

Ginamit na argumento ni Associate Justice Marvic Leonen na dapat maghintay ng aktuwal na kaso ng pang-aabuso ang Korte Suprema bago manghimasok sa Anti-Terror Law. At para sa mga abogado ng mga Aeta na si Josalee Deinla, ang kasong ito na ang patunay na may panlalabag sa karapatan ng mga Filipino sa ilalim ng nabanggit na batas.

Giit ng ibang sumusuporta sa petisyon laban ATL, hindi kailangan ng aktuwal na kaso ang SC bago manghimasok sa mga batas. Dahil ang banta lamang ng prosecution ay sapat na upang sila ay manghimasok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *