“Eh ‘di wag nila gawin sa sarili nila… I own many mirrors.”

Pumutok ang mga komento ng mga body-shamers online matapos mag-post ng bagong mga litrato ang aktres na si Rhian Ramos ng bagong version ng katawan nito.

Marami ang negatibong komento sa ‘sobrang’ kapayatan daw ng aktres, at nagsasabing baka raw hindi na ito kumakain. Mayroon pang tumawag sa kanyang anorexic at iba-iba pang offensive na komento dahil lang sa mga posts niya sa Instagram.

Ani naman ni Rhian, ayaw niyang patulan ang mga body-shamers na ito dahil lahat naman daw ng gagawin nito ay hindi mawawala ang ganyang uri ng tao.

Sabi pa ng aktres, “I just take it with a grain of salt, it doesn’t really hurt my feelings. I own many mirrors an part of my job is to know what I look like.

I don’t think I evr hear something that I don’t expect first because I know myself.”

Lagi naman daw niyang inaantabayanan ang timbang nito, ang pagdagdag at pagbawas, at alam niyang parte ito ng kagustuhan niyang maging healthy at fit.

Mariin din niyang tinanggihan ang mga komentong mayroon siyang eating disorder. Nabawasan lang daw talaga ang timbang niya dulot ng matinding stress.

Leave a Reply

Your email address will not be published.