Educate himself first daw bago mag-komento sa tension ng Pilipinas laban sa China

Kailangan daw umanong alamin ni Senator Manny Pacquiao ang foreign policy bago magbitaw ng mga komento sa ginagawang approach ng Pilipinas sa China sa kasagsagan ng tensyonadong relasyon sa pagitan ng mga ito, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Naunang sinabi ni Pacquiao na nakukulangan siya sa mga aksyon ni Duterte upang sana’y ma-assert ang exclusive economic zone ng Pilipinas sa West Philippine Sea kung ikukumpara umano sa mga pahayag na binitawan nito noong Halalan 2016.

Noong tinanong si Duterte tungkol sa pahayag ni Pacquiao, “It’s about foreign policy. I would not want to degrade him [Pacquiao] but next time he should, mag-aral ka muna ng husto.”

Isa si Pacquiao sa mga nagpataw ng mabigat na kritisismo sa foreign policy ng administrasyong Duterte matapos ang ilang paulit-ulit na paghahayag nito ng personal na opinyon na walang magagawa ang Pilipinas sa pag-aangking ginawa ng China sa disputed territories, dahil na rin sa takot nitong mapasailalim sa gyera ang bansa.

Mukha ring nagkakaroon na ng pagkakabuwag sa dati’y political allies dahil sa ginawang pagtaliwas ni Pacquiao sa ideyang tatakbo bilang bise president si Duterte ngayong Halalan 2022.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *