Eastern section ng bansa, dadagsain ng light to moderate na pag-ulan!

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility ang Tropical Depression Dante at itinatalang magdadala ng ulan sa eastern na parte ng bansa.

Ang outer rain bands ng Dante ay maaring magdulot ng light to moderate, at aabot sa heavy nap ag-ulan sa Caraga at Davao region sa susunod na araw, ayon na rin sa ulat ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Binalaan na ng mga weather forecasters ang mga residente ng mga nabanggit na rehiyon na maaari silang bahain, kasali na ang flash floods at landslides dulot ng pag-ulan.

Ang Dante’y ikaapat na tropical cyclone na pumasok sa bansa at projected na gumalaw pa-west ng 25 kph.

Maaari dawng maging tropical storm ito sa susunod na 24 hours pero hindi raw posibleng mag-landfall sa loob ng bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *