Duterte inaakusahan ang European union ng hindi patas na pagbabahagi ng bakuna laban COVID-19
Inakusahan ni Presidente Rodrigo Duterte ang European Union na nagdadamot umano ng mga suplay ng COVID-19 vaccines sa mga bansang hindi kasing-yaman ng miyembro ng unyon.
Nagreklamo rin siya na ang mga mahihirap na bansa ay walang kapangyarihan para masiguro ang karampatang suplay ng bakuna na kailangan nila.
Ani pa ni Duterte sa isang publikong panayam, “This is a fight among the highest bidders, who can pay first. We are not rich.”
Mayroon nang hihigit sa 527,000 nakumpirmang kaso ng Coronavirus sa bansa at 10,807 kamatayan kaugany dito. Ang Pilipinas ay napapabilang sa pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa Asia.
Sa paniniguro ng suplay ng bakuna, napag-iiwanan ang Pilipinas sa mga ASEAN na apitbahay nito.
Ayon kay Duterte, ang AstraZeneca ay hostage ng European Union. Ang isyu umano ay ang mga malalaking organisasyon gaya ng EU ay bumibili ng bakuna sa malalaking halaga at nililimita ang export nito, gaya ng AstraZeneca.
Noong nakaraang linggo nagparating ang British-Swedish drugmaker company AstraZeneca na ang mga bakunang ipapadala nito ay mahuhuli.
Ang EU ay gumagawa pa ng skematiko upang ma-monitor ang export ng bakuna nito, at maaaring patigilin mismo ang paglalabas nito kung ang sariling supply na kailangan ng mga bansang miyembro ay hindi natutugunan.
Ang AstraZeneca ay isa sa pitong vaccine manufacturers na pagkukunan ng Pilipinas ng mga bakuna pangontra COVID-19.