Duterte: If needed, day ang night so we will not have a stock of spoiled medication!
Para masigurong fully utilized ang vaccines na nasa Pilipinas, itinutulak ni Presidente Rodrigo Duterte ang day and night vaccination kung kinakailangan dahil na rin sa malapit nang expiry ng mga ito.
Ani pa nito, “Sundalo pati pulis, lahat. Pati iyong – kung madala nila ‘yang pamilya nila, okay na, total nandiyan na ‘yong mga bakuna. Ang sabi ko nga we must use them as fast as we can because they have a shelf life.”
Upang mapabuti ang vaccination sa ibang lokasyon, nirereview na umano ng national government ang capacity ng local government units sa pag-aadminister ng mga bakuna bago ito mabigyan ng supplies.
Mayroon na rin umanong minimal cases ng vaccine wastage ayon kay National Task Force Against COVID-19 (NTF) chief secretary Carlito Galvez Jr.
Iginiit din nito na sinusunod nila ang WHO protocol na nagtatakda ng isang vaccine safety officer na nag-ooversee sa status, efficacy, at integrity ng cold chain storage systems ng ilang locations sa bansa.