Duterte, dineklara sa China na hindi aalisin ang mga barko sa WPS
Matapos ang malawakang kritisismo kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagsabing ang pangako niya noong kampanya sa mga mangingisda ng bansa ay isa lamang biro, binalaan niya ngayon ang Tsina na hindi aalisin ang mga barko ng bansa sa West Philippine Sea, kahit na patayin siya ng mga ito.
Ani ni Duterte, “I’d like to put notice sa China. May 2 barko ako diyan, I am not ready to withdraw.
I do not want a quarrel, I do not want trouble. I respect your position, and you respect mine. But we will not go to war.”
Idinagdag pa nito, “Hindi talaga ako aatras. Patayin mo man ako kung patayin mo ako, dito ako. Dito magtatapos ang ating pagkakaibigan.”
Hanggang ngayon hindi kinikilala ng China ang artbitral ruling sa The Hague noong 2016 na ang West Philippine Sea ay sa Pilipinas nga.