Duque, nainis raw dahil pang-52 sa 53 bansa ang Pilipinas sa resiliency ranking.

Mayroong bagong ranking na inilabas ang Bloomberg organization na ngayo’y naka-focus sa 53 bansa at sa kanilang resilience kontra pandemya.

Sa listang ito, nairanggong ika-52 ang Pilipinas, na kinuha ng kasalukuyang health Secretary Francisco Duque III na insulto’t aniya’y, ‘unfair.’ Itinuturo pa niya na nagpapakita lamang daw ito ng mga bansang nakapag-mass vaccination na’t mayroon nang population protection ng hihigit sa 50%.

Pahayag pa ni Duque ay, “That’s unfair. It is very unfair and I am really pissed with this kasi hindi naman tama.”

Ang sentimyentong ito ay natalakay sa interview ni Karen Davila kay Senator Risa Hontiveros.

Nang maitanong si Hontiveros, naglapag siya ng patutsada kay Duque at nagsabing, “Ang dapat talagang ma-piss off ay hindi siya ngunit ang ating mga mamamayan.”

Patungkol naman daw sa Bloomberg report ay aniya, “The report is the latest reflection of the truth of the ground.”

Pinuna pa ni Hontiveros na hindi lang very poor and health response, at sinamahan pa ng poor economic response na nagpapahirap ng tunay sa mga Filipino. Ito ang dapat sisihin sa ranking, at hindi ang organisasyong obligasyon lamang ay mag-ulat ng mga impormasyon sa mundo.

Idinagdag pa ni Hontiveros na, “We should step up.

It was not Bloomberg who dropped the ball. It was the health department, under the leadership of the good Secretary that has been dropping the ball so far.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *