Duque – “Ang latest natin diyan ay hindi muna natin papayagan sa ngayon para lang makasiguro tayo.”

Isinuspinde na ng IATF on COVID-19 ang dati nilang resolusyon na nagbibigay permiso sa mga bata 5+ makalabas ng bahay at pumunta sa outdoor spaces bilang panangga na rin kontra sa mas transmissible na Delta variant ng virus.

Mabuting banggitin na ang Delta variant ay kumpirmadong mayroon nang local transmission ayon sa Department of Health (DOH).

Sa ngayon mayroon nang naitatayang 47 cases ng Delta variant sa Pilipinas. 36 dito’y recoveries, 3 fatalities, at 8 active cases.

Ani ni DOH Secretary and IATF Chairman Francisco Duque III, “Dahil nagkaroon na tayo ng Delta variant, nagkaisa ang IATF na iatras muna itong resolution na ito.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.