Dumarami na ang ahensya, grupo, at personalidad na sumusuporta sa isinusulong na batas!

Sinuportahan ng DOJ at ibang ahensya ng gobyerno ang 2 senate bills na naglalayong kumilala sa mga foundlings, o mga indibiduwal na hindi kilala ang magulang, bilang Filipino citizens.

Naungkat ang isyung ito noong panahon ng 2016 Halalan kung saan nakuwestiyon ang pagtatakbo ni Grace Poe sa opisina ng Presidente.

Sa ngayon, positibo ang takbo ng dalawang Senate bills na naisapasa na ng Kongreso at patuloy na idine-deliberate.

Pinasalamatan ni Grace Poe ang mga personalidad sa likod ng pagsasapasa ng bill, lalo na ang author at sponsor na si Risa Hontiveros.

Nang maungkat kay Poe ang nangyari nga noong 2016 Halalan, “By having run for President, the issue on foundlings was discussed and as much as possible there was clarity given to it with the Supreme Court decision, although it is important to clarify even more with a law.”

Pinapatungkulan ni Poe ang desisyon ng SC noong panahong iyon na nagdeklarang ang mga foundlings ay kikilalanin bilang mga natural born Filipino citizens.

Idinagdag ni Poe na, “This is important not just to me but also to hundreds of founflings who may still encounter some difficulties.”

Hindi nakalimutan ni Poe ang mga nag-boto para sa pagpapatulot niyang pag-serbisyo sa Senado, ani niya, “I would like to thank the following colleagues I have here and in the past Congress.

Our Senate President Tito Sotto, Sen. Villar, Sen. Pia Cayetano the tiebreaker, Sen. Loren Legarda who will hopefully join us soon, and former Sen. Bam Aquino who will hopefully join us again.

All of you had helped me continue this privilege of being able to serve in the Senate. If not for your vote, if one of you didn’t vote to support this, I wouldn’t be here today.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *