DOTr: ‘Traze’ over gov’t-endorsed StaySafe.PH
Nagpaplano ang Department of Transportation (DOTr) na gawing “mandatory use” ang paggamit ng kanilang digital contact tracing app na “Traze” na sisimulang ipapatupad sa mga airports (Ninoy Aquino International Airport, Clark International Airport, Mactan Cebu International Airport and Davao International Airport) sa darating na Nov. 28.
Ito’y para mas palakasin ang pag-sugpo ng pagkalat ng COVID-19 sa bansa gamit ang naturang application kung saan ma-nonotify ang mga users, gamit ng QR technology nito, kung mayroon silang nakasalamuha na mga tao na positibo sa SARS COV2, ang virus na nagdulot ng COVID-19. Walang personal na detalye na nilalahad ang app ngunit binibigyan niya ito ng pagkakataon na mag-isolate o magpa-test ang mga taong posibleng may nakasalamuhang “infected individual/s”.
Na-bypass nitong application ang goverment-endorsed na StaySafe.Ph platform para sa “official social distancing, health condition reporting and contact tracing system.” Maalalang nagka-kontrobersiya ang StaySafe.Ph noon dahil naging opisyal itong tracing app ng Inter-Agency Task Force on the Management of the Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan nagbungad ito ng maraming katanungan sa paghandle ng privacy at potential spying sa mga impormasyon ng mga users nito na itinanggi naman ng Multisys CEO David Almirol Jr.
Ayon kay Almirol, lumaki na sa ngayon ang user base ng StaySafe.Ph sa 4Million at ito’y kinoco-managed ng Multisys and the DICT. Para rin maresolba ang isyu, pinagkasunduan na ang app ng StaySafe.Ph ang manongolekta ng impormasyon habang ang DOH naman ang bahala sa pagtatago at paghahandle nito, na sinuportahan naman ng gobyerno.
Ngunit, sa kabila ng pagsusuporta ng gobyerno at IATF sa StaySafe.Ph, pinush pa rin ng DOTr ang paggamit ng Traze dahil ayon sa kanila, mas mainam na gamitin itong tracing app dahil nagko-comply ito sa Republic Act No. 1017 or the Data Privacy Act.
Ayon sa Traze’s privacy policy, “The app collects personal data such as user name and ID, first and last name, cell phone number, address, email address and scanned or visited establishments.The data can be shared with government and law enforcement agencies ‘to comply with the law, by court order or other legal process.’ Data can also be shared with third parties to enforce the legal rights of Traze aside from data processors, cloud storage providers and analytics services. Traze said scanning data will be kept for 30 days before these are deleted. User consents given for using the app can be withdrawn at any time.”