Disappointed at hindi naniniwalang deserve ni Miss Mexico ang korona!

Sobrang vocal online ng isang Miss Universe representative tungkol sa naganap lamang na kompetisyon.

Si Radinela Chusheva ng Bulgaria ay hindi nagkubli sa kanyang disappointment sa buong kompetisyon, lalo na ang mga resulta ng pagkapanalo.

Sa kanyang IG stories (@radinela.chusheva) nagsagot siya ng mga katanungan galing sa followers niya kung saan masasabing binuhos nga ni Miss Bulgaria ang tsaa para sa’ting mga netizens.

Binahagi pa nito na ang pambato ng Canada na si Nova Stevens ang ‘best’ at ‘more deserving’ kung ikukumpara kay Miss Mexico.

Mayroong mga mexican followers na nagbanta dito na mawawalan siya ng fans sa bansa at ang tugon lamang ni Radinela sa kanila ay, “Sorry not sorry.

I’m just telling you what I think! I more than 10 days with 73 girls! Still don’t know which one was Mexico.”

Nang may nagpahiwatig na ang pagkapanalo ni Miss Mexico ay may kinalaman sa Telemundo and Miss Universe partnership, sumang-ayon pa siya rito!

Leave a Reply

Your email address will not be published.