Diretso isang linggo nang pinagtratrabaho ang hindi pa swineswelduhang security guard

Isang Security Guard ang gumamit ng Facebook Live upang manawagan para sa napakalungkot na hirap na kinakaharap nito sa lugar na pinagtratrabahuan.
Ayon sa guard, diretso isang linggo na raw itong nagtratrabaho nang walang pumapalit sa kanya. Kinausap na rin nito ang mga amo tungkol sa kondisyon niya ngunit binigyan lamang ito ng PHP 100 para sa pagkain niya.
Ang napakapait pa raw, isang buwan mahigit na niyang hindi natatanggap ang karampatang sweldo, at dahil dito gutom na gutom na ang pamilya niya.
“Napakasakit po yung tatawag sa’yo ‘yung anak mo, maririnig mo hihingi siya sa’yo ng pagkain. ‘Pa, gutom na gutom na kami.”
Napatunayan ng logbook ng pinagtratrabahuan niya ang mga reklamo nito at na siya nga ang natatanging nakatoka ng isang linggo mahigit.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *