Diretso donasyon para sa mga charity ng single moms ang kikitain ni Ivana Alawi galing sa pinakahuling video upload niya!

Mga single moms naman ang pagtutuunan ng pansin at tulong ni Ivana Alaw para ipagdiwang ang Mother’s Day.
Naglabas si Ivana ng isang Mother’s Day vlog na nagbibida sa kanya kasama ang mga kapatid na nag-supresa sa kanilang ina.
Bago ang picnic nila, minake-upan niya ang ina at binigyan ito ng mga bulaklak ng mga kapatid niya.
Ani ni Ivana para kay Mama Alawi, “Today we must make you feel special and loved, and give you back kahit konting pagmamahal na ibinibigay niyo sa aming mga anak mo. At single mother siya and pinalaki niya kaming apat na magkakapatid.”
Noong patapos na ang vlog, inanunsyo ni Ivana na ang kikitain niya para sa vlog na ito ay didiretso sa mga charities for single mothers.
Natanong si Mama Alawi tungkol sa desisyong ito ni Ivana at sabi lamang nito na napakasaya niya para rito.

Leave a Reply

Your email address will not be published.