Dinodoble ng San Miguel Corp. ang daily dredging nito sa 11.5km na sakop ng ilog na nililinis nito
On track at sumusobra pa nga ang San Miguel Corporation (SMC) sa daily dredging ng silt at basura para sa PHP 1B clean-up project sa Tullahan-Tinajeros river system. Imbes na 600 metric tons/day ang hakutin nito, nakakaabot sila ng 1,500 metric tons!
Ang proyektong ito ay bahagi ng five-year project ng SMC na sasakupin ang buong 27 km. length ng Tullahan-Tinajeros river system.
Inuuna na ng kompanya ang paglilinis sa Malabon at Valenzuela sections upang matulungan ang flood-mitigation efforts ng gobyerno bago bumalik ang rainy season sa bansa.
Ani ni SMC President at Chief Operation Officer na si Ramon Ang, “We were able to average 1,000 metric tons per day last March. Currently, we are averaging 1,200 metric tons and we will gradually increase it to 1,500 metric tons.
We will also start dredging Sectors 4 and 5 where heavier flooding was experienced during heavy typhoons last November 2020.”
Noong ika-13 ng Abril ipinaalam ni Ang na mayroon nang total nang 168,004 metric tons ng silt at waste na naalis na nila sa ilog.
Ipinaalala niya, “We will need the support and cooperation of local government units and other stakeholders to enable us to complete our task of rehabilitating the river and assisting in their flood-mitigation efforts.”