Dinadala ng dating SC justice na si Antonio Carpio ang kabataan sa usapin ng PH sovereignty sa West Philippine Sea
Sinusubukang ikalat ng nagretirong SC Justice Antonio Carpio ang kanyang adbokasiya sa kabataang Filipino.
Ang adbokasiyang ito ay pumapatungkol sa soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa kabila ng agresibong pangaangkin ng China sa karagatan.
Hindi na miyembro si Caprio ng gobyerno ngunit patuloy niya pa ring prinoprotektahan ang Pilipinas laban sa expansionist policy ng China.
Aktibo si Carpio sa diskusyon ng pag-aari ng Pilipinas sa WPS. Itinuturing itong eksperto sa isyu at malimit na nagbibigay ng lecture sa mga government office dito at sa abroad, mga unibersidad, at conferences upang ipaalam sa lahat ang kasaysayan at legal rights ng Pilipinas sa WPS.
Ang lecture na ito ay pinamagatang Defending Philippine Sovereign Rights in the West Philippine Sea, at libre online para panoorin ng lahat.
Ngunit sa bago niyang six-part lecture series na mayroong 10 minuto ng diskusyon ukol sa isyu, mauroong isang video kung saan siya’y nagsalita ng Filipino at kumausap sa mga elementary at high school students.
Ani ni Carpio, “The battle to protect our exclusive economic zone in the West Philippine Sea is an inter-generational endeavor. These students will take over what we, the older generation, are soing today.”
Maaalalang noong siya ay nagretiro pagka2019 ay nagwika si Carpio na ang nalalabi niyang buhay ay planado na upang depensahan ang sovereign rights ng Pilipinas sa WPS, ‘in the means he knows best – through the rule of law.’