Demokrasiya, ipagtibay nang maiwasang maulit ang nakaraan!

Naghatid ng paalala at mensahe si Senator Risa Hontiveros para sa mga, aniya’y, ‘nakakalimot sa kasalukuyan.’

Malakas ang panawagan nito sa bawat Pilipino na pagtibayin ang demokrasiya ng bansa na natamo matapos ang Martial Law sa ilalim ng pamumuno ni Marcos, at na ito’y iwasang maganap ulit.

Pahayag pa niya, “Bukod sa pag-alala, makihalok tayo sa pagpapatibay ng ating demokrasya upang hindi na muling maulit ang matinding pagsuway sa ating Saligang Batas.”

Kasabay nito’y nagbitaw din siya ng, “Ang araw na ito ay hindi lamang para sa mga sumusunod na henerasyon, kundi para na rin sa nakakalimot sa kasalukuyan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published.