Dati nang naanunsyo ni Karlo Nograles ang pagbubuo nito, at ngayon malapit nang ipamahagi!

Matapos ang dati nang anunsyo ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na pagkakaroon ng vaccine passports para sa bawat bakunadong Pilipino ay ang anunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng unified digital COVID-19 vaccination IDs or certificates para sa NCR.

Sa kasalukuyan umano’y ang mga tala ng mga nabakunahan sa buong Metro Manila ay ina-upload na sa isang database at ang vaccination ID na magmumula rito’y maaari nang mabuo sa September 1.

Ang pagkakaroon ng unified data base ay makakatulong sa mga LGU makatukoy kung ang isang tao ba’y nakatanggap na ng kanyang bakuna sa ibang lugar o hindi at maiwasan ang mga naghahanap ng third dose o booster shots na hindi pa permitted sa Pilipinas.

Sa ngayon ay gagamit muna ang mga OFWs ng government-issues ‘yellow cards’ habang hindi pa malawakan ang implementasyon ng unified vaccination cards.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *