Dapat walang special treatment sa mga opisyales na lumabag sa quarantine protocols, kailangan silang maging accountable!

Ang batas ng bansa ay dapat maipairal ng pantay sa lahat, government official ka man o hindi. Ito ang iginigiit ni Cabinet Secretary Karlo Nograles matapos ang sunod sunod na tala ng resurgence ng coronavirus cases sa bansa.
Idinagdag pa nito, ang mga opisyales umanong lumabag sa quarantine rules ay mayroong kakaharaping administrative at criminal complaints na ibibigay ng mayroong high degree of accountability dahil sila ay public servants.
Ito ang tugon ni Nograles sa mga kritisismong lumalabas na ang administrasyon umano’y mabigat ang parusa sa mga violaters na ordinary citizens pero malambot sa mga nasa gobyerno. Lalo na’t kumakaharap ang bansa sa bagong surge ng coronavirus cases.
Ani ni Nograles sa isang panayam, “We try as much as possible to enforce the law as equally as we can. I think the message is dapat equal ang treatment of the law diyan.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *