Dapat palakasin ang mga LGUs ng magkaroon ng mas mabuting polisiya para sa mga mahihirap!

Ibinahagi ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang Magna Carta for the Poor IRR ay sinusuportahan niya dahil ito’y nagpapagilas ng kanyang dedikasyong mapabuti ang pamumuhay ng bawat Pilipino – lalo na ng mga mahihirap.

Matutulungan umano nito na magkaroon ng konkretong solusyon para mabigay sa mga nakokonsiderang ‘poor’ ang pangangailangan nila.

At ang susi umano rito, ayon kay Nograles, ay ang mga LGU na mayroong vantage point na makakatulong tukuyin kung ano at papaano gagawin ang mga programang makakatulong sa mga mahihirap na kanilang residente.

Pahayag pa ni Nograles, “LGUs needs to be strengthened further so they can develop the capacity to implement pro-poor policies.”

Maaalalang mandato sa mga LGU na magbigay ng dedikasyon at agarang aksyon para makacontribute sa programang ito, lalo na’t sila ang nakakakilala at makakaalam sa pangangailangan ng mga residente nilang mahihirap.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *