“Dapat ang lockdown ay nasa tamang oras at may katapat na cash aid at iba pang available assistance sa loob ng dalawang linggo.”

Kinakalampag ni Sen. Grace Poe ang Inter-Agency Task Force (IATF) na mamahagi ng ayuda sa mga lugar na isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ), lalo na para sa mga apektadong mahihirap.

Aniya, “Dapat ang lockdown nasa tamang oras at may katapat na cash aid at iba pang available assistance sa loob ng dalawang linggo.”

Hindi niya nakalimutang ipuri ang aksyong ito upang proteksyon nga sa mga mamamayan mula sa Delta variant, ngunit ipinapaalala nito sa IATF na dapat tandaang bigyan ng panangga ang mga Pinoy kontra gutom.

Ang kawalan ng ayuda umano’y pagbibigay ng gobyerno ng dahilan sa mga Pinoy na lumabas ng kanilang bahay at makipagsapalaran sa epekto ng mas nakakahawang variant ng virus upang maghanap lamang ng hanap-buhay at mapapangkain sa pamilya.

Idinidiin rin nito ang kahalagahan ngayon ng mas malawig na pambabakuna upang mabawasan ang mga paghihirap na posibleng kaharapin ng mga Pinoy.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *