Dala ng patuloy na surge ng kaso ng COVID-19 sa bansa, partikular na sa Metro Manila, nag-anunsyo na ang ilang ospital na hindi muna tatanggap ng COVID-19 patients

Ipinaalam ng ilang mga ospital sa Metro Manila na sila’y nasa full capacity status na sa kanilang mga COVID-19 wards, at idinagdag pa ng mga ito na hangga’t ganito ang kalagayan nila, hindi muna tatanggap ng dagdag na COVID-19 patients.
Ito ay matapos ang skyrocketing surge ng bagong cases sa bansa, lalo na sa ilang mga syudad ng Maynila at probinsya ng Luzon.
Ang mga ospital na isinulat sa ibaba ang nag-deklara na ng full occupancy:

  • St. Luke’s Medical Center Global City
  • St. Luke’s Medical Center Quezon City
  • The Medical City
  • Chinese General Hospital and Medical Center
  • Asian Hospital and Medical Center
  • Commonwealth Hospital and Medical Center
  • Allied Care Expert Medical Center Quezon City
  • National Kidney and Transplant Institute
    Halos lahat ng mga nailistang mga institusyon ay nagbigay payo na sa kani-kanilang social media platforms na mag-hanap ng health care muna sa ibang ospital na kaya silang i-accommodate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *