Dahil wala namang ginawang krimen ang aktres, ayon sa isang abogado.
Hindi raw pwedeng kasuhan si Angel Locsin dahil wala naman itong ginawang krimen. Ito ang professional opinion ni Atty. Mel Sta. Maria, isang professor at ang dean ng FEU Law.
Wala raw kasalanan ang nag-organisa sa community pantry para sa turnout ng sitwasyon dahil hindi mapapatunayang ang intensyon nito’y may bahid ng pagka-kriminal.
Lalo na’t si Angel ay gusto lamang talagang makatulong ng ibang tao.
Ang mga bumabanat umano kay Angel Locsin at nangrered-tag ng mga volunteers ay kinaasaran na ng ilang opisyal. Isa na rito si Mayor Joy Belmonte na napipikon na umano dahil inaatake ang mga constituents niyang libreng tumutulong sa kapwa.