Dahil sa BILIS-KILOS ni Isko Moreno, hindi na naghintay ng matagal ang mga beneficiary!

Malugod na inanunsyo ng Manila City Government na nitong August 26 ay natapos na nila ang distribusyon ng financial aid para sa 380,820 na pamilya.

Siniguro ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na ang distribusyon ay susunod sa ‘Bilis-Kilos’ na inisyatibo nila para mas madaling makarating sa mga benepisyaryo ang financial aid.

Ang mga pamilyang ito’y nakatanggap ng PHP 4,000 cash aid sa loob lamang ng 16 na araw – mula August 11 hanggang August 26.

Matatandaang ang financial aid na ito ay galing sa national government funds para sa reimposition ng Enhanced Community Quarantine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.