Dahil dumarami na ang kaso ng skimming, phishing, at iba pang cybercrime, kailangan nang protektahan ang mga online transactions!

Itinutulak ngayon ni Senator Grace Poe ang SBN 2380 o ang “Bank Account, E-Wallet, and other Financial Accounts Regulation Act” na naglalayong makapanatili ng stable at efficient na financial system na makapagbibigay ng proteksyon sa mga consumers na gumagamit ng digital platforms para sa kanilang transactions.

Nakita ni Poe ang pangangailangan nito matapos ang pagtaas ng kaso ng mga cybercrimes gaya ng skimming at phishing na sumabay sa pagdami din ng mga lumipat na online para sa kanilang financial transactions gaya ng pagbabayad ng bills at sa bilihin na rin.

Pahayag pa niya, “This seeks to ensure that the hard-earned money of the public is kept safe and that public trust and confidence in the current financial system is maintained as it continues to innovate ang traverse through cyberspace.”

Nauna nang naanunsyo ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na 98.4% ng krimen at losses na na-file ng mga bangko mula March-May 2020 ay nasagawa online at nagto-total sa PHP 60.6M.

Ang PNP Anti-Cybercrime Group ay may naulat na pagtaas ng 37% ng online scams mula March-September 2020 kumpara sa parehong period noong 2019.

Kinilala ni Poe na ang mga digital platforms ang nagpa-posible na mapanatili ang ekonomiya, pero na ito rin ay naging oportunidad din para sa mga masasamang loob na magsagawa ng krimen.

Aniya, “That is why we must put up the proepr safeguards to prevent criminal activity and unlock the potential of digital platforms.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *