Covid-19 na mga lugar sa mga ospital ng NCR, napupuno na habang umaakyat ang bilang ng mga nag-positibo!

Nararamdaman na ng ilang ospital sa Metro Manila ang epekto ng mga tumataas na bilang ng COVID-19 nitong nakaraang mga araw.

Ayon sa mga balita, ang bed capacity ng Philippine General Hospital ay umaabot na sa 70%.

Ani ng PGH spokesperson na si Dr. Jonas del Rosario, “Consistently we are admitting new COVID-19 patients mga 10 patients a day. Ngayon po as of the last count ay 121 ang naka-admit na may COVID pero may pending admissions po.”
Idinagdag nito na ang Intensive Care Unit Beds ng ospital ay okupado na.

Mayroon ding itinalang 82 PGH health workers na nag-test bilang positibo sa COVID-19.

Ibinalita rin ng Quezon City General Hospital na ang COVID-19 wards at ICU beds nito ay puno na.

Noong ika-13 ng Marso itinala ng San Lazaro Hosptal na ang COVID-19 beds nito ay 60% occupied.

Habang sa Lung Center of the Philippines itinalang 60 sa 81 na COVID-19 beds nito ay okupado na.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *