Covid-19: Mga foreigners na dadating mula US bawal pumasok sa Pilipinas dahil sa bagong strain

COVID-19 Update: Dahil sa mga nakumpirmang kaso ng bagong variant ng Covid-19, isinali na ng Pilipinas ang United States sa lista ng mga bansang ipinagbabawal ang pagpasok. Ito ay epektibo simula ngayong Linggo, ika-3 ng Enero, hanggang ika-15 ng Enero.

Ito ay inanunsyo ni presidential spokesman Harry Roque noong Biyernes, ika-1 ng Enero, matapos ang usapang magkakaroon ba ng travel ban sa US sanhi ng bagong strain ng SARS-Cov-2.

Ayon sa isang pahayag ni Roque, “The Office of the President, upon the joint recommendation of the Department of Health and the Department of Foreign Affairs, included the United States of America (US) as among the countries subject to travel restrictions.”

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *