“Congratulations dear Lovi. I am sure Papa is very proud of you.”
Ipinahayag ni Grace Poe ang kanyang suporta sa kapatid na si Lovi Poe sa pamamagitan ng pagbati nito sa isang segment ng ASAP sa pagsalubong sa pagiging ganap na Kapamilya star ni Lovi.
Pahayag pa niya, “Congratulations dear Lovi. I am sure Papa is very proud of you.”
Ipinahayag din niya ang kanyang pagmamahal sa kapatid. “In my heart, you’re always pamilya. Continue to make us proud. I love you,” dagdag pa niya.
Sa kabila ng madaming trabaho at paglilingkod sa bayan bilang public servant, si Grace Poe ay isa pa ring mapagmahal na kapatid kay Lovi at nananatiling pinapahalagahan ang kanyang pamilya.