Commissioner Guanzon: Tuesdays to Saturdays na ang Voter Registration

Masmadali na magregister to vote for first time voters, mga nagtratrabaho, mga nag-aaral o kahit sino man may gusto na may edad na 18 and above pero hindi pa nakapagregister. Nagtweet si COMELEC Commissioner Rowena Guanzon na simula nitong February hanggang September 2021, Tuesdays to Saturdays na ang Voter Registration. Pumunta lang sa COMELEC office ng siyudad o munisipyo kung saan nakatira between 8am to 3pm.

Sa mga magreregister please wear masks, face shields at magdala ng ID at ballpen. Kung maari daw magdownload, print at fill up na ng voters’ registration form sa bahay pero huwag muna ito pirmahan. Pipirmahan daw ito sa harap na ng election officer sa loob ng COMELEC office.

Leave a Reply

Your email address will not be published.