Comeback ni VP Robredo sa sinabi ni Duterte na siya ay hindi ‘fit to become president’
Matibay na hinarap ni Vice President Leni Robredo ang mga insultong ginawad ni President Duterte tungkol sa posibilidad ng pagtatakbo bilang Presidente nito sa darating na 2022 Halalan.
Tugon ni Robredo rito, wala kay Duterte ang desisyon kung siya nga ba’y makakapamuno sa bansa bilang presidente kung hindi ang taumbayan.
Sabi nito sa isang press briefing noong ika-16 ng Pebrero, “If it’s the case, he’s not the one who will decide whether I’m qualified or not. It’s the people who will decide.”
Maaalalang noong Lunes ng gabi nagbitaw ng pahayag ang Presidente pabalik sa mga ‘extortion’ na comments ni Robredo ukol sa panghihingi nito ng pera sa kapalit ng Visiting Forces Agreement (VFA) nito sa Pilipinas.
Sinabihan ni Duterte si Robredo na hindi siya dapat tumakbo bilang presidente dahil wala itong alam sa foreign policy, at idinagdag na kumuha ng refresher course in law. Pinaalalahanan niya rin ito na maging aware sa kanyang role sa gobyerno.
Ani ni Robredo na ikinalulungkot niya na ang tugon lagi ni Duterte ay insulto kada nagbibigay siya ng suhestyon sa government policies, ngunit inamin ding wala ito sa kontrol niya.
Idinagdag pa nito, “I would not defend myself. But for me, it would be good to everyone if he listens, if he listens to suggestions, if he listens to other policies.”
Iginiit pa nito na ang mga leader na marunong makinig at mag-alam ng pinakaangkop na tugon sa mga pangyayari ang makakapag-alam ng pinakamainam na gagawin sa harap ng mga unos.