Chinese vessels sa Julian Felipe reef, umalis pagkakita ng mga ipinadalang sasakyan!

Ipinadala na ng Pilipinas ang pinakamalakas na response nito sa patuloy na expansion na ginagawa ng China sa West Philippine Sea. Noong 2012 huling nagpadala ng naval force ang bansa upang hamunin ang militarization ng China sa lugar.
Nagpadala ang Pilipinas ng 4 sa pinaka-advanced na warships nito papunta sa WPS, kasama ang ilang warplanes na makakatulong sa naval force. Ipinadala rin ng US ang aircraft carrier nitong USS Theodore Roosevelt kasabay ng Pilipinas. Kasama nito ang napakaraming submarines, destroyers, at cruisers na umaakto bilang proteksyon ng aircraft carrier.
Pinadala rin ng US ang USS Makin island, isang assault ship na nagbibitbit ng 20 attack aircrafts at may sariling submarines, destroyers, at cruisers.
Matatandaang noong Marso nag-alarma ang Philippine Coast Guard sa presensya ng 220 Chinese ships na umookupa sa Julian Felipe Reef na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Ito ang dahilan ng coordinated military response ng Pilipinas at United States.
Ganito ang ginagawa ng China ng mga nakaraang taon kung gusto nilang mag-militarize ng Philippine Reef. Magpapadala ito ng napakaraming fishing boats, tapos susunod ang dredgers na magsisira ng corals upang makapagtayo sila ng artificial islands. Kung hindi umaksyon ang Pilipinas at US ng ganito, maaaring maging ganoon ang nangyari sa Julian Felipe reef.

Leave a Reply

Your email address will not be published.