Chickenjoy na order online, towel pala? Reklamo ng nakatanggap, nag-viral!

Viral si Facebook user Alique Perez matapos mag-post ng huling order niya online ng isang Jollibee meal para sa kanilang pamilya.

Ang order niya’y naglalaman ng Chickenjoy Box Solo at Chickenjoy with Palabok na para sa anak. Nung sinubukan daw niyang hiwain ang manok, nakita nilang hindi ito chicken meat kung ‘di tuwalya!

Gulat si Perez at hindi makapaniwalang ganito kapabaya ang management na nakaya pang maluto mismo ng isang towel at na-deep fry pang nagmukhang chickenjoy talaga!

Ani pa nito sa post, “So disgusting and embarrassing. To think that you’re even branched in BGC. Calming down myself for this but WTH.”

Idinagdag pa niya na nakakadiring isipin ang ibang chickenjoys na naprito kasama ng tuwalya at sa malamang na paggamit ulit ng oil para iprito ang ibang batch.

Sabi pa nito, “The essence of the towel contaminated the oil and the batter from the supplier, so how many chickenjoys are affected, we won’t know.”

Bilang pagtatapos, nilagyan niya pa ito ng mga nakakaintriganh mga hashtag na nagsasabing,

JollibeeBonifacioStopOver

complain

SaJollibeeTowelAngSaya

Original FB post: https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10224110024393881&id=1098403271

Leave a Reply

Your email address will not be published.