Cebu, Ormoc, Mandaue, Davao, Ilocos Sur, at iba pa—nasilip ng COA para sa kwestiyonableng pag-gasta ng pondo.
Hindi ligtas ang mga Local Government Units (LGUs) ng bansa mula sa pagsapubliko ng Commission on Audit (COA) sa mga financial reports at pag-flag ng mga indibiduwal at ahensyang mayroong kwestiyonableng financial performances.
Una rito ay ang Cebu City, na itinuturo ng COA na mayroong violations sa paghawak ng pandemic response funds. Ang Consolacion town ay nadawit din sa isyu. Ang pinakamalaking isyu umano ay ang 20,000 KN95 face masks na binili para sa PHP 4.38M na overpriced ng aabot sa PHP 1.34M!
Sumunod ay ang Ormoc City na mayroong 1,526 rice sacks na unaccounted mula sa rice ‘ayuda’ program nito. Aabot umano ng PHP 3.337M ang halaga ng mga sako ng bigas.
Ang Mandaue City ay flagged din para sa pagbibigay ng PHP 34.9M Social Amelioration Program (SAP) disbursements sa 5,827 ineligible beneficiaries.
Kahit ang Davao City ay nasasailalim sa striktong obserbasyon lalo na ngayon na kwinekwestiyon ng COA ang validity ng PHP 9.48B assets at legalidad ng PHP 1.32B COVID procurements nito.
At hindi papahuli ang Ilocos Sur na ngayo’y mayroong disbursements na nagkakahalaga ng PHP 864M na isinagawa kahit na ba kulang ang required documentation, at hindi pa naaaprubahan ng mga opisyales.