Caption niya, inaasinta ang mga body shamers! Netizens, may mixed emotions?

Mixed ang reaction ng mga netizens sa bagong bikini photo na in-upload ni Kiray Celis.

Ibinandera ng comedian ang katawan para makatulong sa patuloy na panawagan nito for body positivity.

Sa kanyang pinakahuling Instagram post nabida ang isang black-and-white na litrato ng aktres na nakasuot ng two-piece bikini.

Binigyan niya ito ng caption na, “Itigil na ‘yung BODY SHAMING!

For sure hindi mo rin gusto makakita or makarinig ng hindi magandang comment tungkol sa katawan mo. Kaya tigilan mo ‘yang PANLALAIT MO.

CONFIDENCE IS THE KEY TO SUCCESS!”

Marami ang pumuri kay Kiray sa comments section dahil sa pagiging confident nito habang mayroon ding mga nanlalait sa kanya dahil hindi nga raw bagay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *