Called out uli dahil sa pag-require sa mga estudyanteng patunayan na mali ang traditional Filipino knowledge!

Ang Department of Education (DepEd) ay called out uli dahil sa assignment na nagpipilit sa mga estudyanteng patunayang mali ang traditional beliefs ng indigenous communities.

Ibinahagi online ni Rogel Sese ng Ateneo de Davao ang objective para sa 5th Grade students na binuo ng DepEd na nagtatakdang ma-‘debug’ ang local myths at folklore tungkol sa moon at stars sa pamamagitan ng paglalatag ng ebidensyang makakahikayat magpaniwala sa mga community folks.

Ito raw ay ‘very problematic at non-inclusive’ ayon na rin kay Rogel.

Ani niya sa Facebook post niya, “Science attempts to explain the universe around us based on empirical evidence. However, it should not be done at the expense of erasing the traditional knowledge and culture of our indigenous communities.”

Ipinaliwanag din niya na ang ethnoastronomy, branch ng astronomy na nakasentro sa astronomical beliefs at practices ng ilang mga kultura, ay nagkokonsidera sa old knowledge tungkol sa mga bituin at ‘preserved for posterity.’

Idinagdag niya na, “’Debugging’ local myths and folklore, and convincing the community folks that their understanding is wrong further marginalizes and relegates indigenous communities as ‘backward’ and should not be perpetuated.”

Iginiit din niya na ang science at traditional knowledge ay pwedeng ituro nang sabay habang hindi kinakansela ang isa’t isa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *