Calamba City, Laguna, binigyan na ng donasyon ng Pilipinas Kontra Gutom Feeding Program!
Bumisita sa Calamba City, Laguna ang Pilipinas Kontra Gutom na pinangungunahan ni Secretary Karlo Nograles.
Sinimulan dito ang bagong Feeding Program ng ahensya, na ngayo’y nagtutuon ng pansin sa Nutritionally-at-risk na Pregnant Women. Binigyan ang mga ito ng karampatang donasyon, pati na rin ng isang journal na maggagabay sa mga mommys sa pagkakaroon ng malusog na termino ng pagbubuntis.
Ipinakilala niya ang bagong programa nilang, ‘Tutok Kainan’ na mayroong layunin na magkaroon ng complementary feeding program para sa mga buntis na mayroong pagkukulang sa kanilang nutrisyon para sa sarili’t sa kanilang anak.
Personal na sumali si Nograles sa pagbabahagi ng mga journal at relief goods na pinaka-layunin ng kanilang pagpunta mismo sa donation turnover location.