Bundok ang inakyat ng 75-taong-gulang na lola para magkaroon ng tubig sa Cebu!

Isang lola sa Cebu na nasa 75-taong-gulang na ang araw-araw umaakyat ng bundok para lamang makakolekta ng 3 galong tubig na sapat na sa isang araw niya.

Si Lola Matilde ay umaakyat pa sa Sitio Calibasan, Brgy. Captain Claudio, Toledo City kasama ang mga aso nito upang kumuha ng tubig.

Ani pa ni Lola Matilde, nagpa-paa nalang siya sa pag-akyat para lamang di madulas.

“Palagi akong nadudulas diyan sa daanan. Humahawak talaga ako nang mahigpit dahil nadadala ako ng aking karga na gallon. Napagulong na ako.”

Mahirap na nga para sa matanda ang magbitbit ng ganun kabigat na dalahin, madalas pa raw itong mahilo dahil sa init at dehydration. Ani pa niya, “Nakakapagod. Kailangan kumilos. Titiisin nalang.”

Ang mga residente umano ng Sitio Calibasan ay walang maayos na water supply sa tanang buhay ni Lola Matilde, kaya madalaas silang sumalalay nalang sa mga pag-ulan. At kung wala raw nito, kanya-kanya nalang ang mga residente sa pag-angkat ng tubig mula sa mga well galing sa bundok.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *