Bumwelta si Moreno sa mga paninirang binabato sa kanya ng mga ibang mga kandidato sa kabila ng mga tagumpay na nagawa nito para sa Maynila!
Iniangat ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang estado ng Maynila at pinabuti ito simula nang maglingkod ito bilang alkalde sa lungsod. Napakadami ng kanyang nagawa kaya naman patuloy ang pag-unlad ng lungsod. Ngunit sa kabila ng mga napagtagumpayan nito sa Maynila, marami pa rin ang hindi naniniwala at naninira kay Moreno lalo na nung ito ay tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
Ani pa ni Moreno sa pahayag nito sa Batangas, “Hinihila tayo paatras ng mga nakaraan nila, ng mga away nila. Tuwing halalan, yun na lang ang kwento. Baka kasi walang kwenta, walang maikwento, o walang resibo. Kaya ang tanong naming, nasaan kayo nung pandemya?”
Sa loob ng dalawang taon na naglingkod si Moreno sa Maynila, naglunsad ito ng iba’t-ibang #BilisKilos na mga programa para sa kalusugan, edukasyon, pabahay, at ayuda para sa mga taga-Maynila sa kabila ng pandemyang kinakaharap ng bansa. Ilan sa mga ito ay ang upgrade ng mga health centers, libreng swab testing, pamimigay ng laptops at tablets sa mga mag-aaral, pagpapatayo ng Binondominium, monthly pension sa mga senior citizen, at iba pa.
Patuloy ang pagbabago at pag-unlad ng Maynila sa pamumuno ni Moreno, Napakadami nitong nagawa upang mapabuti ang lungsod kaya naman tiwala ang lahat na magagawa niya rin ito para sa buong bansa.