Bumuwelta pabalik si Janella Salvador sa mga bashers ng 5-month-old baby niya na mayroong below-the-belt na mga komento sa itsura nito

Galit na galit na Janella Salvador ang bumati sa Social Media dahil sa mga bashers ng kanyang baby boy na si Jude Trevor.
Ang anak nila ni Markus Patterson ay nabida ng pamba-bash, particular na tungkol sa itsura nito.
Sa galit at inis sa mga netizens, napamura ang aktres dahil baluktot ang ginagawa ng mga ito sa 5-month-old baby niya. At itinuloy niya ang pagpo-post ng mga screenshot ng mga nambash sa anak niya.
“I have no words,” ang tanging pahayag ni Janella sa twitter tungkol sa isang komento na nagsabing magka-COVID sana ang baby niya.
“Proof that people really don’t know how to self-evaluate. What about you [redacted]? Anong tawag sayo?” Sa isang netizen na nag-caption ng masamang komento rin sa isa pang netizen na nagpa-public apology sa ginawa niya sa anak nila.
Hindi naman daw gusto ni Janella na ang Social Media pages niya ay malalagyan ng negative vibes pero sinusubukan daw talaga siya ng mga tao.
“I just want you to know that I am prepared to do what is right by me and my son,” ang mensahe niya sa mga bulakbol na inaasinta ang anak niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *