“Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar. Halika muna sa aking bahay, papakainin kita roasted chicken at laing ni Mamang.”

Marami ang naantig sa kasalukuyang sitwasyon ni Miss Universe Myanmar Thuzar Wint Lwin matapos nitong isiwalat na hindi na siya makakabalik ng bansa matapos ng Miss Universe competition. Mayroon na kasing warrant of arrest na naghihintay sa kanya para sa worldwide protest niya sa nabanggit na kompetisyon.

Isa si Pokwang sa mga naawa rito na nag-imbita sa kandidata sa kanyang pamamahay sa Pilipinas.

Ani ng isang tweet ng comedian, “Bukas ang aking tahanan para sa iyo Miss Myanmar. Halika muna sa aking bahay papakainin kita ng roasted chicken at laing ni Mamang.”

Bago pa man ang kompetisyon ay aktibo na si Thuzar bilang isang aktibista laban sa mga military junta ng bansa nilang nagsagawa ng isang coup d’ etat laban sa demokratikong gobyerno. Sa ngayon kumakaharap ang bansa ng Myanmar sa isang militar vs. civilian na laban, dahil na rin sa dami ng mga nagpro-protesta laban sa military junta.

Leave a Reply

Your email address will not be published.