Britain nag-ulat ng araw-araw na tala ng bagong kaso ng Covid-19, tumutungtong na sa 40,000
Nag-ulat ang Britain ng 41, 385 na bagong kaso ng COVID-19 nito lamang Lunes, isang bagong rekord. Ito’y dahil sa napakabilis na pag-kalat ng nakitang variant ng SARS-Cov-19 na nakakapagtaas ng infection rate.
Ayon sa Coronavirus Statistic’s portal ng nasabing lugar, mayroong bagong 357 na kamatayang Covid-19 related sa loob lamang ng 28 na araw ng positive test.
“This very high level of infection is of growing concern at a time when our hospitals are at their most vulnerable,” sabi ni Yvonne Doyle, ang Medical Director ng Public Health England.
Nagbitaw na rin ng salita ang Prime Minister ng lugar na si Boris Johnson, kasama ang kanyang mga scientific advisers, ukol sa bagong variant ng coronavirus. Ito’y natagpuan nilang umaabot sa 70% mas transmissible, at mabilis itong kumakalat sa Britain. Hindi naman naulat kung ito ba ay mas nakakamatay o nakakapagdulot ng mas malalang sakit.
Hindi pa klarado kung ang pag-taas ng kaso sa England ay dahil sa hindi pa naisaoubliko ang mga test results mula noong nakaraang Miyerkules.
Itinaas pa ng Britain ang kanilang daily testing, mula asa 100,000 noong Mayo na ngayon ay naging 500,000 nitong ika-23 ng Disyembre.