Boredom dahil sa pandemya ang pinagsibulan ng bet na bet na negosyong ito!

Ang Giant Pizza Business na sumibol mula sa bayan ng Apalit, Pampanga, ay sinimulan ng isang housewife matapos mabagot dulot ng pandemya.

Ang pizza ay mayroong 36 in. in diameter, o aabot ng 3 talampakan! Mayroon pa itong ino-offer na 4-6 flavor combination na pwedeng i-customize ng naaayon sa bumibili. Kaya rin nitong magpakain ng 20-30 people!

Para sa mga Kapampangan, ang pizza ay tamang-tama lamang ang lasa dahil sa kabila ng laki nito’y hindi tinipid ang mga sangkap. Mula sa dough, gulay, ham, peperoni, beef, chicken, shrimp, pati na ang special pizza sauces!

Nagsimula ang business ng owner na si Anne Palacios noong November 2020 nang mag-request ang mga anak ng pizza mula sa kaniya. Dahil lockdown at hindi makalabas ng bahay, at idinagdag pa na kulang ang ordinaryong laki ng pizza sa kanila, nag-bake siya ng kanyang sariling pizza.

Ipinost umano ito ng kaibigan niyang reseller at mula noon ay dumadagsa ang mga order sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.