Bisto na ang kalakaran sa LTO, ayaw pa rin tantanan ang mga PMVICs. Iba rin!
Isa sa mga problemang kinakaharap ng sambayanan ngayon ang inspection system o PMVICs sa bansa. Maraming Pilipino ang nananawagan na suspendihin ang sistema dahil sa sobrang mahal na inspection fee na pinapabayad nito sa mga motorista.
Umaabot sa P1800 ang babayaran ng isang private vehicle para sa inspection nito, at P900 pesos kung ma-fail nito ang unang inspection. Para naman sa motorsiklo ay umaabot ng P600 para sa unang inspection, at reinspection fee na P300.
Kasalukuyang binabatikos ngayon si Rep Marcoleta na malamang isa siya sa mga dahilan kung bakit nabigyan ng GAOR ng LTO ang mga PMVICs na dagdag hirap para sa mga Pilipino. Ngunit naging maingay din ang pagpapaimbestiga ni Marcoleta sa kalakaran ng LTO matapos itong mabisto.