Binili ni Mayor Isko Moreno ang PHP 100K na parol ng nag-viral na Parol Maker

Puro papuri ang naani ni Mayor Isko Moreno matapos tumulong sa parol maker na nag-viral sa social media. Ito ay si Maximo Simon, a.k.a. Tatay Lakay Junior, na nagbahagi online na mayroon siyang kliyente na nag-kansela ng order na nagkakahalagang PHP 100K.

Mayroon pa ngang litrato sa Facebook na siya’y emosyonal dahil sa nangyari.

Idinagdag pa ng asawa niya na si Arlene Simon, “Di na kukunin yan ng buyer sayang 100k lahat ng bayad yan paano na ako baon nanaman ako sa utang. Diko mapigilan umiyak.”

Nitong Biyernes lamang, binahagi na binili ni Mayor Isko ang lahat ngg hindi pa nabebenta na parol ni Tatay Lakay. Pinakita pa sa Facebook ang isang litrato ng lahat ng kanilang produkto na binitbit ng staff ni Mayor.

“Maraming salamat po Mayor!” ang nilagay niyang caption.

Leave a Reply

Your email address will not be published.