Binigyan ng isang netizen ang kanyang ‘Pa’ ng isang congratulatory cake matapos ang isang taon pangungumbinsi nito sa pagiging Diehard Duterte Supporter.

Nagpost sa Facebook account ang netizen na si Ben Jan ng selebrasyon ng kanyang ama matapos malamang hindi na ito DDS.

Ayon kay Ben, halos isang taon din ang kanyang pangungumbinsi dahil isang Diehard Duterte Supporter ang kanyang ‘Pa’ sa kasalukuyang administrasyon. Naisip ni Ben at ng kanyang pamilya na mag-celebrate at makikita mismo sa cake nito ang nakasulat na, “Di Ka Na DDS.”

Ayon kay Ben, hindi naging madali para sa kanya ang proseso ng pangungumbinsi sa kanyang ama.

Leave a Reply

Your email address will not be published.