Binida ng post ang tumubong insecurity at self-deprecation ng anak nito dahil lang sa ilang mindless commentors na namimintas!
Ipinakita ng isang nag-viral na Facebook post ang epekto ng bullying at pamimintas sa isang tao.
Nabida sa post ni Madel Salvador, na ngayo’y mayroon nang aabot sa 54k reactions, ang naging pagbabago sa pananaw sa sarili ng anak nitong si Eros matapos maka-encounter ng isang commentor sa sariling larawan na pinuna ang ‘fault’ sa itsura niya.
Habang kinukuhanan daw ng litrato ang anak dahil may bago itong damit, nagtanong ang bata ng, “Mommy naniniwala ka na ba doon sa nag-message sa’yo sa picture ko na panget ako?”
Noong una raw ay hindi naintindahan ni Madel ang tanong ng anak at sumagot siya dito ng, “Huh? Sino? Wala naman nagsabi na panget ka ah?”
Sinagot din siya ng anak na, “Yung nagsabi Mommy ng ‘Hi Kirat’.”
Ikinatameme raw ito ng ina at hindi siya makapaniwala na naging ganito ang isipin ng anak dahil lamang sa isang commentor.
Bilang pagdidiin ni Eros idinagdag pa nito na, “Mommy nagtawa pa siya sa akin di’ba? Ibig sabihin noon panget ako. Kaya burahin mo na lang picture Mommy pose ako ulit try ko ayusin mata ko para pogi na ako wala nang magtatawa sa’kin ‘pag pinost mo picture ko.”
Nabahala rito si Madel at sinabihan ang anak na hindi totoo ang iniisip nito, na ang commentor ay hindi lang masaya ang naging childhood.
Hindi naman nagpatigil ang anak niya sa panlalait sa sarili at nagsabi pang, “Sana Mommy hindi nalang ako kirat para wala na nagsasabi sa comment ng panget sa akin.”
Naiyak na raw si Madel dito at in-assure ang anak na pogi ito at walang mali sa kanya.
Dinumog ng papuri si Eros ng mga commentors at sharer ng mismong post. Mayroon pang ilan na naghahanap kung sino ba ang nanlait dito.
Nilalayon ni Madel na maibahagi ang epekto ng mga pasimpleng patutsada lang na iniisip ng ilan ay ‘harmless’ lang, dahil madalas ito ang tumatatak sa isip ng mga bata.