Binaha ng tulong si Reymark Mariano matapos mabahagi ang kwento sa bansa!

Paghanga ang natanggap ng batang breadwinner na si Reymark Mariano matapos nitong ibahagi ang life story sa buong bansa.

Dahil dito, binaha ng tulong at donasyon ang pamamahay ng bata. Mayroon pang ilang pumunta mismo sa bahay ni Reymark upang personal na ihatid ang tulong.

Bumiyahe ng 5 oras ang grupo ni Jed Brent Baltazar at nagsabing pagkarating nila kila Reymark, tuwang-tuwa ang bata.

Binigyan nila ito ng kabayo, pamalit sa matanda niya nang kabayo na limitado nalang ang tulong na nagagawa kay Reymark.

May groceries din, mga supplies at appliances sa bahay, bigas, at pera pantulong sa gamot ng lolo’t lola ni Reymark.

Isa si Reymark sa mga batang natulak ng hirap ng buhay na hindi gawin ang tipikal na gawain ng isang bata. Sa bata niyang edad, siya na ang naghahanap buhay para sa pamilya imbes na makipaglaro sa mga kaedad.

Leave a Reply

Your email address will not be published.