Binabawi ni Duterte ang pangakong titigilan ang korapsyon sa administrasyon niya dahil ito raw ay imposibleng gawin

Sa pre-recorded speech ni Pangulong Rodrigo Duterte, nagbitaw siya ng mga pahayag na may kinalaman sa pangako niyang apulahin ang korapsyon sa bansa sa loob ng kanyang administrasyon.

“I have promised the nation, I said, I would dedicate the remaining months of stay in the Office of the President going after corrupt people so that by the time they would be somewhat fewer.

Don’t expect me to entirely clean as a pristine clean bureaucracy. That is impossible and cannot really be achievable.”

Noong nakaraang tao inutusan ng Pangulo ang Department of Justice na magsagawa ng government-wide na pag-iimbestiga sa korapsyon. Ito’y upang mapagtagumpay ang mga pangako niya sa pangangampanya noong 2016.

Ilang beses inulit-ulit ni Duterte ang frustration nito upang labanan ang korapsyon at nag-alok na aalis na sa posisyon dahil napapagod na ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *