Bilis-aksyon, bilis solusyon para mas maraming tao ang mabakunahan na bilang panangga sa pandemya!
Kahit Linggo ay tuloy-tuloy ang operasyon ng bagong drive-thru vaccination gimik ni Mayor Isko Moreno Domagoso para sa City of Manila!
Sa isang bagong, pinasalamatan ni Domagoso ang Manila Disaster Risk Reduction and Management para sa anilang pagtulong na mapatupad ang bagong programa sa Quirino Grandstand.
Ipinaalala lang ni Domagoso sa mga gustong mag-avail ng bagong program ana ito’y by reservation at schedules para makapila. Ang reservations ay pwede umanong maisagawa sa www.manilacovid19vaccine.ph.
Idinagdag pa niya na bawal ang mga walk-in at ang mga nakamotor, four-wheel drives lamang ang pinapayagang pumunta rito.
Matatandaang kailan lang nasimulan ang drive-thru vaccination ng Manila upang mas marami pang vaccination sites ang pwedeng puntahan ng mga gustong magpabakuna at upang ang proseso ay mas mapadali pa.
Ito rin ay bagong programa matapos ang nangyaring pagbaha at pag-ulan na nag-pwersa sa mga magpapabakuna sana na sumuong sa tubig baha.