Bilang responde sa mga panawagan ng NCR+, isinaayos ng Department of Health ang temporary relocation ng ilang health workers
Ang Department of Health ng Central Visayas ay magpapadala ng 50 Health Workers sa Metro Manila upang matulungan ang mga front liners ng huli.
Anng mga ospital ng Metro Manila at Calabarzon ay nag-deklara na ng full capacity habang ang COVID-19 cases nila ay patuloy sa pag-akyat kaya sila’y nananawagan na rin sa gobyerno na magpadala ng tulong.
Magpapatuloy daw ang tulong na ito hangga’t ang healthcare critical care ng mga lugar ay nasa 28 percent pa rin, ayon kay Dr. Mary Jean Loreche.
Idinagdag nito na ang mga healthworkers na ipinadala nila ay makakatanggap ng basic at premium pay, kasama ng special risk allowance at iba pang benepisyo.